Una sa Balita

F2 Logistics binalikan ni Rondina, Petron

0 201

MALAKING bagay ang pagiging masigasig ni Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina kaya naman umahon sila mula sa dalawang set na pagkakalubog upang dungisan ang F2 Logistics, 26-28, 27-29, 25-19, 25-20, 15-6, sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan kahapon.

Kahit naunahan sa set 1 at 2 ay buhay na buhay pa rin ang laro ng Blaze Spikers dahil sa enerhiyang ibinibigay ni Rondina, kumana ng 21 attacks at 1 block, kaya nakahirit sila ng deciding fifth set at sikwatin ang pang-12 panalo sa 13 laro.

Nalasap naman ng Cargo Movers ang unang talo sa 12 salang.

Sa fifth set, humarurot ang Petron ng 10-0 atake upang masiguro ang panalo at makabawi sa team na tumalo sa kanila sa first round. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy