Una sa Balita

F2 huhugot kay Stalzer, Perez

0 180

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
7:00pm — Foton vs F2 Logistics

KAKAPITAN ng last year’s runner-up F2 Logistics Cargo Movers sina import Lindsay Stalzer at MJ Perez pagharap nila sa karibal na Foton Tornadoes sa sudden-death quarterfinals ng Philippine Superliga Grand Prix.

Bawal nang kumurap para sa Cargo Movers at Tornadoes pag-arangkada nila ngayong alas-7 ng gabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Aminado si F2 Logistics head coach Ramil De Jesus na mahirap kalaban ang Foton dahil nagsidatingan ang kanilang malulupit na players na sina Jaja Santiago at Dindin Santiago-Manabat kaya naman wala silang ibang gagawin kundi ilabas ang kanilang best sa laro.

“This is a do-or-die game so we have to give everything we can,” saad ni De Jesus. “Foton is such a tough team. We have to bring out our A-game if we want to make it to the next round.”

Bukod sa mga import, huhugot din ng lakas si De Jesus kina local netters Aby Maraño, Cha Cruz, Majoy Baron at setter Alex Cabanos. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy