Una sa Balita

‘ALL EYES’ SA PASABOG NI LASCAÑAS

By
0 4

Nakatutok ang buong bayan sa magiging rebelasyon sa Senado ng sinasabing hitman ng notorious vigilante group na Davao Death Squad (DDS) na si retired SPO3 Arthur Lascañas.

Inaasahang sisipot si Lascañas ngayong Lunes sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs para idepensa at ipaliwanag ang pagbaliktad ng kanyang testimonya hinggil sa imbestigasyon sa vigilante group na iniuugnay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Inaabangan ang magiging pasabog ni Lascañas laban kay Pangulong Duterte at ang paglalantad sa totoong nasa likod ng vigilante group na DDS na dati umano nitong pinaglingkuran.

Dati nang humarap sa Senado si Lascañas kung saan itinanggi niya na mayroong grupong Davao Death Squad, pero lumutang ito kamakailan para bawiin ang nauna nitong testimonya.

Sa pinakahuling caucus ng Senado, 10 senador ang bumoto para payagang magbigay ng panibagong testimonya si Lascañas; 5 ang nag-abstain; 2 ang absent at 7 senador ang bumoto ng NO.

Kabilang sa mga senador na humarang sa panibagong imbestigasyon ay sina Senador Win Gatchalian, Sen. Dick Gordon, Sen. Gringo Honasan, Sen. Manny Pacquiao, Sen. Koko Pimentel, Sen. Migz Zubiri, at Se. Cynthia Villar.