Una sa Balita

Eyes on the prize

0 1,086

Tatlong linggo na lang ang natitira sa kampanya. Lamang na ang mga kandidato ng administrasyon at ilang independent, lalo na ‘yung mga early favo­rite sa overseas absentee voting tulad nina Glenn Chong, Larry Gadon at Imee Marcos, to name a few.

So obviously kaila­ngang bumawi at umarangkada ang kabilang parlor. Pero… kaya pa kaya?

Tumataya sila ngayon sa pinakamalakas nilang kandidato, si Bam Aquino at Mar Roxas. Itong dalawa ay parehong dumidistansya sa anim para makaagaw man lang ng konting botong maaaring manggaling sa kampo ng administrasyon.

Eto ang problema, medyo mahina ang stratehiya nila. Una, maangas sila laban kay Duterte in the early days of the campaign. Especially si Mar na humirit pa na kailangan ng ekonomista sa Senado para maibaba ang rate ng inflation. Eh, ‘di nagtagal matapos niyang sabihin ito, bumaba ng 3.8 percent ang naturang inflation rate. Timing nga naman.

Pangalawa, na-underestimate yata nila ang galit ng taumbayan sa kanilang association sa nakaraang rehimeng Aquino. Bistado ito nu’ng dumistansya si Mar sa kulay dilaw at sa mga kandidato ng Otso. May bitiw siyang mga salitang, “I can work with Duterte.”

Bilang sagot diyan, ang mga pro administration drum beater ay masipag na naglalabas ng track record ni Mar at ang mga kapalpakan nito. Halimbawa, ‘yung pagbili sa Mahindra vehicles para sa PNP na virtually unusable kasi problema ang spare parts at hindi reliable ang mga sasakyan. Andiyan rin ang Laglag Bala, kung saan sinisi pa ni Sec. Mar Roxas ang mga biktima at sinabihang, paano naging problema ng gobyerno ang katulad nilang nagdadala ng bala.

Kunsabagay, ever since naman, characte­ristic ng Aquino admi­nistration ang kawalan ng empathy, at ‘di naiba roon si Mar. So medyo madali siyang soplain.

Samantala naman, si Bam Aquino, umiiwas. Nagko-concentrate siya sa campaign sorties at ‘di masyadong nagsasalita ng kontrobersyal. Dahil incumbent siya, may advantage. Hindi, may name recall, may suporta ng mga kasamahan sa Senado, (meaning, hindi siya binabatikos ng mga ito, kahit kontra partido)

Pero enough na kaya ito? Kung sana mag-hold ang mga number nila at ‘di mabawasan, baka makabalik pa si Bam at Mar sa Senado. Ngayon kung mukhang downward spiral ang kanilang kampanya, dapat tumaya na sila sa isang malaking publicity operation.

Ang tanong, ito bang mga Bikoy video ay bahagi ng kanilang campaign plan?
Abangan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy