Una sa Balita

EYE-BALL: Wright future ng Phoenix

By
0 1

Sikat na talaga si Scottie Thompson ng Brgy. Ginebra.

Bukod sa patuloy ang pagdami ng kanyang Pound for Pound business na gym, dumarami na rin ang Thompson’s Barber Shop at dito na sa Manila ang branches.

Bukod diyan, nadagdagan pa ang kanyang endorsements.

Kinuha siya ng King Sisig upang maging endorser nito.

Bilib sa kanya ang presidente ng King ­Sisig Royal Foods na si Rogelio Nemeno dahil sa walang pagbabago sa kanyang pagkatao, nag­lalaro man o hindi.

“Bilib ako sa character niya on and off court. Never say die. Tsaka maliit lang siya pero astig siya sa rebounding. Bilib din kami sa perso­nality niya kaya hindi na kami nagdalawang isip na gawin siyang endor­ser,” sabi ni Mr. Nemeno.

So, there.

***

Nasa Taipei ang mga magulang ni ­Kiefer ­Ravena na sina Bong at Mozzy Ravena upang bigyan ng moral support ang anak.

Kaya naman ganadung-ganado si Keifer sa paglalaro sa ongoing Jones Cup.

Ang performance ni Kiefer sa Jones Cup ay pagpapatunay lamang na ready na siya sa PBA.

***

Speaking of Jones Cup, magaling talaga itong si Matthew Wright.

Future ng PBA.

Bago pa lang na nag­lalaro sa PBA, pero kung maglaro sa Jones cup, aakalain mong beterano na sa game.

Prized find siya ng Phoenix Petroleum.

Dasal ng marami, ‘wag sanang ma-trade itong si Matthew dahil Malaki ang maitutulong niya sa Phoenix team.

***

Isa pang pakitang gilas ay si Jeron Teng.

Laging triple-double performance sa ­Flying v team sa PBA D-League.

Ilang game nang lagi siyang best player of the game.

At tuwing malapit nang matalo ang Flying V, si Jeron ang magsasalba sa kanila.

Pagpapatunay din ‘yan na reading-ready na si Jeron para sa PBA.