Una sa Balita

EYE-BALL: Walang forever

By
0 6

Nagkainitan sina Tim Cone at Chris Ross sa Game 3.

Nagkainitan din sina Arwind Zantos at ­Keijn Ferrer.

Naging laman sila ng mga komento sa ­social media after the game at hanggang kahapon pinag-uusapan pa rin sila.

Maganda rin na may mga ganyang intriga para mas exciting ang laban.

Aabot ba ng Game 7?

Marami ang humuhulang aabot.

Napakarami.

***

Umamin na sina Gretchen Ho at Robi Domingo hiwalay na sila matapos ang tatlong taong relasyon.

Marami ang nanghihinayang.

Kasi nga, inakala ng mga kaibigan nila na ­halos perfect na ang ­relationship nila.

Hindi pala.

Sayang.

***

Isa namang PBA couple na nag-umpisa ang relasyon nu’ng college pa sila ay inakala din naming hahantong sa forever. Hindi rin pala.

Nagkahiwalay na sila at ang masakit, may anak sila.

Akala talaga namin ay wagas na ang pagmamahalan ng dalawa pero nauwi rin sa hiwalayan.
Hinayang na hinayang ang mga kaibigan nila.

***

Dalawang college players mula sa isang sikat na paaralan ang naispatan sa isang spa sa Roxas Blvd.

Tapos na ang isa sa UAAP juniors kaya next year, makikita na ­natin siyang maglalaro sa ­seniors.

***

Pero saang paaralan kaya mapupunta ang magaling na DLSU ­center na si Joaqui Mariano?
Balita namin, ilang colleges na ang nagpapahiwatig sa tatay ­nitong si Obet Mariano, na dati namang player ng San Beda.