Una sa Balita

Eye-Ball: Vindicated si Ria Meneses

By
0 4
Ria Meneses
Ria Meneses

Best blocker si Ria Meneses sa UAAP wo­men’s volleyball..

Known siya consistently for being a blocker dahil nga sa matangkad siya at mahaba ang mga kamay niya.

Kaya nga nitong nakaraang UAAP season, marami ang nagtaka kung bakit hindi siya masyadong nabigyan ng playing time at most of the time ay nasa bench siya.

Kung ano man ang dahilan ng coach niya, siya na lang ang nakakaalam nun.

But others believe, hindi niya deserved ang kakaunting playing time.

Nitong naglabas ng listahan ng 18-man para sa national team training pool, nandun ang pangalan ni Ria.

Vindication para sa kanya, sabi ng mga fans niya

“I’ll be honored to represent my country kapag nabigyan ng pagkakataon,” sabi ni Ria. “Noon pa man, pangarap ko na ito. I will do my best para mapasama sa Final 12.”

Pakiki­nabangan ng national team si Ria sa mga blocks niya at sa husay niya sa paglalaro ng volleyball.

***

Balak na daw gamitin ni Tim Cone si Greg Slaughter sa playoffs.

Hindi kami sigurado kung ready na si Greg pero Tim Cone knows best.

Dati ay sinabi ni Greg na ready na siya for the third conference.

Pero mukhang napabilis ang rehab niya at kung binigyan na siya ng green light to play, well and good para sa Ginebra.

Na-miss ni Greg ang All-Filipino at ang most part ng second confe­rence.

Nawa’y okay na nga siya para sa playoffs.

***

Nagpapakitang-gilas ang magaling na college player na si Joaqui Mariano sa line-up ng San Beda team B.

Sa Fr. Martin’s Cup, sunod-sunod ang panalo ng San beda at si Joaqui ang nagbibida.

Bago lumisan ng DLSU Zobel itong si Joaqui, nagawaran siya ng Most outstanding Athlete sa kanilang re­cognition day.

***

Nanalo ang La Salle Green Archers laban sa team ng dati nilang teammates na sina Jeron Teng at Thomas Torres.

Tune-up game lang ‘yun sa FilOil pero napakaraming tao pa rin ng nanood.

Excited ang mga taong makita na magkaenkuwentro sina Jeron at Thomas laban sa dati nilang teammates.