Una sa Balita

Eye-Ball: Tamaraws-Archers kaabang-abang!

By
0 2

Sa September 10 nakatakdang magharap ang FEU Tamaraws at De La Salle Green Archers sa first round ng UAAP.

Sa nangyaring basketbrawl between these two teams sa Davao, ito ang pakakaabangang match up sa UAAP, more than Ateneo-La salle.

Grabe ang nangya­ring upakan at umbagan sa Tamaraws at Green Archers sa Davao.

Kailangang ihinto ang laro nila dahil nag-free-for-all na at uncontrollable na ang sitwasyon dahil pati mga coaches ay napasama na rin sa gulo.

Hindi na malalaman kung sino ang may kasalanan at kung sino ang may sala sa insidenteng ito.

Hindi na malalaman kung sino ang nag-umpisa at ano ang puno’t dulo ng sapakan.

Wala naman kasing mag-iimbestiga pa ng insidente.

Sana nga lang ay wag na ituloy sa UAAP ang upakan at maging peaceful ang laban nila sa September 10.

Anyway, inaasahang sold out ang tickets sa raw ng kanilang paghaharap.

***

Ibang klaseng UP Maroons daw ang naghihintay sa mga basketball fans ng UAAP.

Palaban at mas ma­lakas at hinid basta-basta bibigay.

Yan ang pangako ni Coach Bo Perasol patungkol sa batch ng UP Maroons this season.

*** 

Ini-enjoy na lang ng Mapua Cardinals ang mga laro nila sa NCAA.

Naglalaro sila ngayon nang walo na lang ang line-up.

Nung nakaraang laro, siyam sila pero na-injured na naman yung isa.

Key player pa naman yung nagka-injury.

Nawala na sina Daryl Menina at Allwell Oraeme, tapos pinutakti naman sila ng injury including sa isa pang key player na si Andoy Estrella.

Pero sa bawat laro nila, undermanned man sila, lumalaban pa rin sila hanggang sa dulo.

***

Malinis ang record ng Lyceum Pirates sa first round ng NCAA.

Walang nakatalo sa kanila, including San Beda.

Sa pagpasok ng se­cond round, una pa nilang makakaharap ang Mapua Cardinals.

Ang tanong nga­yon — sino ang unang makaka­talo sa Lyceum ni coach Topex Robinson?

Kaya kaya nilang maging undefeated pa sa second round?

Dating laging talunan ang Lyceum sa NCAA.

Tinatamba-tambakan lang ng kalaban.

Ngayong, ibang iba na ang Pirates sa NCAA.