Una sa Balita

EYE-BALL: Sino’ng top pick?

By
0 91

Patuloy ang pagdagsa ng tulong sa Olympian nating si Ian Lariba.

Pati mga atleta nagkapit-bisig na sa paghingi ng tulong para kay Lariba.

Nawa’y maka-recover at maka-survive si Ian sa laban niyang ito.

*** 

Nakaisa na ang Gol­den State Warriors sa Cleveland Cavaliers.

Napakataas ng ratings ng ABS-CBN kahapon sa coverage nila ng Game 1.

Halos empty ang mga malls, empty ang mga gyms at maraming late sa office o nag-half day.

Iba pa rin talaga ang NBA Finals.

*** 

Sa July 8 na ang ope­ning ng NCAA basketball.

Arellano vs. Mapua. San beda vs. San Sebastian.

‘Yan agad ang ope­ning salvo ng NCAA this season.

Related Posts

Sa ngayon, naghahanda na ang host SSC para sa kanilang opening ceremonies.

Pangako nila, isang bonggang presentation to start the season.

*** 

Kung sabay-sabay magpapa-draft this year sina Kiefer Ravena, Bobby Parks at Jeron Teng, sino sa tingin nyo ang magiging no.1 pick?

Mahirap sagutin ‘yan.

*** 

Hihintayin na munang matapos ang conference bago sumabog ang ma­raming trades na magaganap among PBA Teams. Sa ngayon, everything is in the nego table.

Isang team ang magiging massive ang trade at swap ng players dahIl magre-revamp sila.

Ewan lang kung pati coach ay papalitan.

***

Sa itinatakbo ng mga teams sa Fil Oil basketball tournament, makikitang magiging malakas sa NCAA this season ang Lyceum, San Sebastian at EAC.

Nag-improve na ang kani-kanilang mga teams at pati mga UAAP teams ay tinatalo nila sa Fil Oil.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy