Una sa Balita

Si Vaughn Soriano ng UST Tigers

Vaughn Jorem Soriano
0 22

Isa sa pinaka-impressive players ngayon ng UST sa UAAP ay si Vaughn Jorem Soriano.

Si Vaughn ay 22 years old na at isa siya sa rookies ng Tigers. Siya ay 6-foot-3 at forward ang kanyang laro.

Anak siya nina Benito at Hyne soriano at tubong QC.

Naglaro siya ng high school sa UST juniors kung saan siya ang team captain. 

Favorite player niya sa NBA si LeBron James at sa PBA naman ay si Joe Devance.

Kasalukuyan siyang kumukuha ng kursong Entrepreneurship sa UST.

***

Nasa kulelat man na puwesto ang UST, isa itong learning experience para sa kanila.

Sabi niya, dikit naman ang mga laban nila at hindi malalaki ang puntos ng talo nila.

“Pasasaan ba at mananalo din kami.

“Lahat naman kami, natututo kahit sa mga talo namin,” sabi ni Vaughn.

***

Nakakadalawa na ang Meralco Bolts.

Nanganganib ang Manila Clasico at mukhang lumalakas ang tsansa ng rematch ng Finals last year.

‘Yan ay kapag ‘di nakabawi ang Star.

***

Hindi na makakalaro si Paul Lee for the rest of the conference.

‘Yan ay dahil sa injury niya sa tuhod.

Malaking dagok ‘yan sa Star Hotshots.

***

Babalik na nga ba si Junel Baculi sa pagiging coach sa PBA?

Aabangan natin yan.