Una sa Balita

Eye-Ball: Si Christian, si Kiefer o si Jeron?

By
0 8

Pag-iisipan na nga­yon ng NLEX Road Warriors kung sino ang ida-draft nila sa PBA.

Si Christian Standhardinger ba o si Kiefer Ravena? O si Jeron Teng?

Sakit sa ulo ang gagawing pagdesisyon ng NLEX sa bagay na yan.

Good luck.

***

Hindi na makakalaro si Chris Ellis sa Blackwater for the rest of the season.

Inuna niyang pagkaabalahan ang kanyang health condition dahil sinabi ng doktor sa kanya na magpahinga ng isang buwan.

Walang strenuous activity para kay Chris kaya lagi lang siyang nasa condo.

Next conference na makakabalik sa paglalaro si Chris.

Pati kontrata niya, expiring na rin sa October.

***

Wala pa ring talo ang Lyceum of the Philippines sa NCAA.

14-0 na sila at ayaw ng mga kalaban nila sa Final 4 na matapos ang second round na walang makakatalo sa kanila.

Ngayon pa lang, inaabangan na ng mga basketball fans ang laban ng Lyceum at San Beda sa second round.

Yan na ang magi­ging preview ng maaaring maging Finals match up.

Tiyak mapupuno ang San Juan Arena kapag nagharap na ang Red Lions at Pirates very soon.

***

Major revamp nga ba ang naghihintay sa isang PBA team para sa next conference after ng kanilang dismal confe­rence?

Pati ba coaching staff ay kasali sa revamp?

Something must be done sa team na ito.

Malakas naman ang lineup pero ayaw maglaro ng mga players.

Hindi ko alam kung bakit.