Una sa Balita

Eye-Ball: Second chance kay Cardona

By
0 4

Ngayon natin malalaman kung mananati­ling undefeated ang NLEX sa ongoing PBA Governors Cup.

Ginebra ang kalaban nila at majority ng manunood sa Calasiao, Pa­ngasinan eh tiyak mas maraming maka-Ginebra at malaking bagay ‘yun.

***

Naki-practice si Mac Cardona sa GlobalPort nung isang araw.

Sana nga ay may tsansa na makabalik sa PBA itong si Cardona because he deserves it.

May lakas pa siya at talento and he deserves a second chance.

Nagsuot siya ng uniporme na may no.1 sa GlobalPort jersey.

Dating player ni Franz Pumaren si Mac sa La Salle sa UAAP.

May reunion ng mga Green Archers sa GlobalPort kung sakaling makabalik si Mac sa PBA.

***

Bukas ay paalis na naman ang Gilas patungo sa kanilang bagong laban, sa Fiba Asia Cup na gagawin sa Beirut, Lebanon.

Kabubuo lang ng team at kelan nga lang nakumpleto sa ensayo. Titingnan natin kung ano ang tsansa ng Gilas sa kanilang bagong misyon.

***

Naka-31 points si Rey Nambatac sa laban ng Letran at CSB nung isang araw sa NCAA on Tour, na ginawa sa Letran gym.

Labis na pinasaya ni Rey ang mga taga-Letran sa kanyang superb performance.

At si Willie Miller daw ang naging inspira­syon niya sa nasabing laro. Nanood kasi ang ex-PBA star sa game.

***

May bagong tv show si Joe Devance sa Fox channel.

Ito ay ipapalabas tuwing Sabado, alas sais ng gabi.

Biruin mong puede pala maging tv host itong sj JDV.