Una sa Balita

Eye-Ball: Scottie endorser ng Phildex

By
0 2

Maraming ­basketball fans ang umaasa na makaka-­saksi pa sila ng Manila Clasico ngayong conference.

Posible namang mang­yari ‘yan, pero ­kailangan munang manalo ng ­Ginebra sa alaska.

Twice-to-beat ang Alaska, kaya ­maraming Ginebra fans ang ­kinakabahan.

***

Sa Sunday Pinasaya bukas, Linggo special guests sina Alvin Patrimonio, Jerry Codinera, Bong Alvarez, Bong Hawkins, Bong Ravena at Boybits Victoria.

Excited na ang anim sa gagawin nilang parlor game sa show.

***

Hiwalay na ang isang PBA player sa asawa nito.

Marami ang nanghihinayang dahil mukha silang perfect couple.

Matagal na pala ­silang nagkahiwalay na ng ­bahay, although sabi nila, they remain as good friends.

Sayang talaga sila.

***

Si ­Scottie ­Thompson nang ­lumagda ng kontrata para ma­ging ­endorser ng Phildex, kasama ang mga ­opisyal ng nasabing kompanyang gumagawa ng best pipes sa bansa.

“2016 is indeed a good year for Brgy. Ginebra for winning the PBA ­Governors’ Cup Champion­ship and Phildex Pipes for ­having the seal of product quality for “Best Quality Construction Pipe Brand for 2016.”

Pahayag iyan ni William Choa, President ng Phildex Pipes, na hindi nag-atubiling papirmahin si Scottie Thompson ng kontrata bilang bago nilang brand ambassador.

Naniniwala ang pamunuan ng Phildex sa kakayahan ni Scottie at sa pag-uugali nitong puno ng magagandang pangarap sa buhay, na ­unti-unti nang nagkakaroon ng katuparan.

Isa sa pangarap ni Scottie ang makapagpagawa ng sariling ­bahay, na galing sa ­sarili niyang pawis at dugo sa ­paglalaro.

Siyempre, dahil magpapagawa siya ng bahay, dapat ang mga tubong gagamitin ay gawa ng Phildex.

Kasama ni Scottie nang lumagda ng kontrata si Ross Gonzales, marketing manager ng Phildex at si Gem Encarnacion.

Naniniwala si Mr. Choa, na perfect partnership ang magaganap sa pagitan nina Scottie at Phildex.

“Nagpapasalamat ako sa Phildex sa tiwalang ibi­nigay nila sa akin dahil ginawa nila akong endorser. Sana nga, malapit ko nang ma-realize ang pangarap kong magpagawa ng sarili kong bahay sa Davao at salamat naman at tutulungan ako ng Phildex sa panganga­ilangan ko sa mga pipes,” wika ni Scottie.