Una sa Balita

Eye-Ball: Q and A with coach Joe Lipa

By
0 11

Nagkaroon tayo ng pagkakataong makapanayam si former national coach Joe Lipa tungkol sa nalalapit na pagbubukas ng CWBL. At narito ang naging takbo n gaming Q and A:

Eye-ball: Ano po ang CWBL? Bakit tinawag na Country-Wide?

Coach Joe Lipa (CJL): Ang Country Wide Basketball League o CWBL ay isang liga na magbibigay focus sa mga regions at sa mga probinsya na sinasakop nito. Dito sa liga, maglalaban-laban ang mga teams na galing sa iba’t ibang region at pro­binsya. Karamihan sa mga players at coaches ma­ngagaling sa kani-kanilang local or probinsya. Magkakaroon ng pagkakataon ang mga local fans ng team na mapanood ang kanilang team kalaban ang team ng ibang probinsya.    

Eye-ball: May kaibahan ba ang CWBL sa ibang mga liga?

CJL: Maraming kaibahan ang CWBL sa ibang mga liga: 

a)   Dala ng team ang pangalan ng probinsya or city na represent nila

b)   Home and away ang laro. Dadayo ang team at dadayuhin sila ng ibang mga team

c)    Walang foreigner. Pilipino lang or kalahating Pilipino na valid ang dukumento

d)   May OVERALL champion sa pagtatapos ng season; hindi lang conference champion, kaya bawat laban may kabuluhan

Eye-ball: May television coverage ba ang mga games sa CWBL?

CJL: Covered ang mga laro sa CWBL sa television at live streaming sa internet. Masusundan ang laro at mga players interviews sa website ng CWBL sa mga lugar na may internet connection. Sa television naman, mapapanood ang mga laro sa Basketball TV (BTV).  

Eye-ball: Ilang teams ang kasali?

CJL: For the first season, nag-decide ang Board ng CWBL na anim (6) na team lamang ang pipiliin to represent at manggagaling sa Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao. Nais ng Board na matiyak ang tagumpay ng unang season bago tumanggap ng dagdag na mga team. Sa suporta na ibibigay ng mga local fans, medaling paramihin ang mga team na sasali sa ligang ito.