Una sa Balita

Eye-Ball: Politician nag-text sa college player

By
0 4

Isang politician ang nag-text sa isang college player.

Hindi kilala ni college player ang number nu’ng nag-text sa kanya kaya nagtanong siya kung sino ang nag-text.

Nagpakilala naman at sinabi niya ang kanyang pangalan.

Abante Hiring – IT dep

Nu’ng tanungin ni player si politician kung ano ang pakay niya, sabi niya wala lang gusto niya lang makipag-dinner.

Napag-alaman ni player sa mga ka-tropa niya na si politician ay isa palang bading.

Hindi na natuloy ang kanilang dinner.

***

Nanganak na si Mrs. Jeck Maierhofer.

Siyempre pa, very proud ang ama na si Rico.

Congratulations!

***

Isa sa magandang inilalaro para sa san Beda team B itong si Joshua Mariano.

Si Joshua ay galing sa La Salle Zobel at ngayon ay hinahasa na sa San Beda.

Against NU, gumawa ng 15 points si Joshua aside from several rebounds and assists.

***

Nag-soft opening na ang District 8 Bar sa may Greenhills nu’ng isang gabi.

Kabilang sa mga may-ari ng District 8 sina James Yap, Marc Pingris, Francis Zamora, at Paul Anthony Artadi.

Bukod diyan ang mga showbiz celebs na sina Daniel Padilla, Karla Estrada, at Vice Ganda.

***

Sa Cebu City ang next game ng Ginebra.

Nag-iipon na ang mga Cebuanos para makapanood sila ng live sa game kung saan kalaban ng Ginebra ang Alaska.