Una sa Balita

Eye-Ball: Pinagpuyatan ang Gilas

By
0 4

Kagabi, napuyat ang madlang pipol sa pagsuporta sa Gilas national team laban sa Korea.

Halos maga-alas dose na nu’ng mag-umpisa ang game.

Pero sige pa rin ang mga Pinoy kahit na mapuyat sila makasuporta lang sa Gilas.

***

Ibang klase ang ipinakitang gilas ng CEU Scorpions laban sa Fl­ying V sa Game 2 ng kanilang serye sa PBA D-League semis.

Kaya naman may Game 3 ngayon.

Inakala ng marami na matatambakan lang ng Flying V ang CEU sa laro pero nagkamali sila dahil fully prepared ang mga bataan ni Yong Garcia laban sa wala pang talong Flying V.

Kahit anong tira nila, pasok. Most of them, three-pointers pa naman.

Huwag pakasiguro ang Flying V sa Game 3 nila ngayon kahit na nananatili silang favorites laban sa CEU.

*** 

Sa kabilang banda, kayang kaya naman ng Cignal ang Marinerong Pilipino.

Pero kahit na natalo ang Marinero, they over achieved.

Bago pa lang silang team, pero marami silang tinalo hanggang sa makarating pa sila sa semis.

Ang magkapatid na coaches Joel Banal at Koy Banal ang namahala ng kampanya ng Marinero.

I am sure na sa susunod na conference, mas malakas na team itong Marinero.

*** 

Mga isang linggo pa bago makabalik sa laro si Cliff Hodge.

Last time namin siyang nakausap, swollen pa ang right ankle niya at patuloy siyang nagre-rehab.

Gustung-gusto na niyang makalaro pero hindi nga puwede kaya hintay-hintay na lang si Cliff sa oras na puwede na niyang ilaro ang paa niya.

***

Nakabalik na sa Manila ang mga players ng Ginebra San Miguel matapos ang tatlong araw na team building sa Pico de Loro sa Batangas.

Next week pa ang game nila kaya sinamantala nila ang mahabang bakasyon para maisagawa ang team building nila.