Una sa Balita

Eye-Ball: Parating na ang CWBL

By
0 4

Heto na ang CWBL.

Bagong liga ‘yan sa mundo ng basketball na pamamahalaan ni Coach Joe Lipa.

Announcements very soon.

***

Hindi talaga natin magagawang maging numero uno sa world basketball kung ang ating team ay binuo lang ng isang buwan o tatlong linggo bago ang actual na kumpetisyon.

Samantalang ang mga kalaban natin ay mara­ming taon nang magkakasama, ‘yung sa atin ay binubuo lang kapag kailangan na.

Tapos, hindi pa makapag-practice ng buo at laging kulang-kulang.

‘Yan ang dapat bigyan natin ng solusyon.

Mayroon dapat isang basketball patron o ang gobyerno mismo na nagpapa-suweldo sa mga players para sa national team na hindi na nila kailangang maglaro sa PBA.

***

Si Terrence Romeo ang most outstanding player ng Gilas sa FIBA Asia.

Napansin siya ng mga coaches mula sa ibang bansa.

***

Kinasasabikan na ng mga Cebuano ang pagda­ting doon ng Ginebra at Alaska.

Ngayong araw na ito ang alis ng Alaska at bukas ang Ginebra patungong Cebu.

Pareho silang Linggo ang flight pabalik ng Manila.