Una sa Balita

Eye-Ball: Pagbabalik ni Mbala

By
0 1
Si Mr. Louie Gamboa kasama si Paul Lee ng Star.

Nakabalik na si Ben Mbala at malamang makalalaro na siya sa koponan ng La Salle kontra National U nga­yon sa UAAP.

Bumalik agad si Mbala matapos ma-out ang Cameroon national­ team na pinaglaruan niya.

At dahil present na si Mbala, tiyak na lalong lalakas ang Green Archers.

***

Speaking of UAAP, malalakas ang mga team ngayon. Kahit sino puwedeng manalo.

Mahirap mag-predict sa bawat laro.

Mas mahigpit ang kumpetisyon kumpara last season.

***

Birthday ngayon ng basketball patron na si Louie Gamboa, may-ari ng Erase Placenta at Gamboa Sports.

Magkakaroon ng cele­bration, kasabay ng anniversary ng kanilang kompanya sa Quezon City Sports Club.

Patuloy ang suporta ni Mr. Gamboa sa iba’t ibang sports. Katuna­yan, maging sa volleyball ay may team na rin siya.

Balak din niyang ­isali ang Gamboa Sports sa nalalapit na Maharlika Cup basketball tournament ni Manny Pacquiao.

Muli, happy birthday, Louie!

***

Lumaro na si Ranidel de Ocampo sa Meralco Bolts kagabi. First time niyang maglaro matapos siyang­ ma-trade mula sa Talk ‘n Text.