Una sa Balita

Eye-Ball: Mocon namamayagpag

By
0 6
Javee Mocon
Javee Mocon

Patuloy na namamayagpag si Javee Mocon para sa San Beda College.

Ilang laro na sa NCAA na naghahari sa scoring itong si Javee. Katuwang ni Javee si Robert Bolick, kung bakit sunud-sunod na ang panalo ng San Beda.

Napakalaking-bagay ni Mocon sa kampanya ng Red Lions ngayong season.

Kung magpapatuloy ang magandang performance niya, hindi malayong champion ulit ang San Beda.

Kasama rin si Javee sa NCAA all-star team na naglaro kahapon sa San Juan Arena.

***

Nasa Blackwater na sina Chris Ellis  at Dave Marcelo ng Brgy. Ginebra.

Biglaan ang trade kaya kahit ‘yung mga players nagulat.

Forty-five minutes kinausap ni Coach Tim Cone si Chris para ihatid sa kanya ang balita.

Hindi naman umiyak si Chris, pero malungkot na malungkot siya sa pangyayari.

Limang taon na siya sa Ginebra kaya masakit talaga ‘yun.

***

Si Art dela Cruz, na naging kapalit ni Ellis, ay masayang-masaya naman at Ginebra pla­yer na siya.

Kaya lang injured pa si Art, pero willing naman daw si coach Cone na hintayin kung ke­lan ready maglaro ang player.

Hindi pa natin alam sa ngayon kung anong team ang nagwagi sa trade na ito.

Pero sabi ng mga observers, parehong makikinabang ang Ginebra at Blackwater sa nangyaring trade.

Bukod dito, mas mabibigyan na rin ng pla­ying time si Ellis sa kampo ng Blackwater, gayundin si Dave.

Tiyak ring pakikinabangan ng Ginebra si Raymond Aguilar bilang reliever ni Greg Slaughter.