Una sa Balita

EYE-BALL: May ite-trade sa Ginebra?

By
0 17
Kasama ni Scottie Thompson sina William Choa (kaliwa) at Henry Tan (kanan).

Nu’ng isang araw ang launching ng Phildex Pipes na ang  ambassador ay si Scottie Thompson.

Bilib na bilib si William Choa, presidente ng Phildex, sa character ni Scottie mapa-on-court at out-of-court.

Kaya hindi na sila nag-atubiling kunin si Scottie bilang endorser.

Ginanap ang launching sa Luxent Hotel at andun ang Phildex ­bosses na sina William, Henry Tan, Ross Gonzales at Gem Encarnacion.

***

May trade nga bang magaganap sa kampo ni Ginebra?

The last few days, may mga ganyang tsismis sa social media kaya naman ang mga basketball fans ay nagtatanong.

Sa huling pagpupulong ng mga coaches ay wala namang ganyang napag-usapan.

***

Sa wakas ay natapos na rin ang bahay na ipinagawa ng mga Tengs.

Dati namang lupa nila ito pero pinagiba nila ang bahay at nagtayo ng bago.

Inabot ng lagpas sa isang taon bago nakumpleto ang magarang bahay nina Alvin at Susan Teng.

Kaya raw mas madalas na sa bahay nga­yon ang magkapatid na Jeron at Jeric Teng.

***

Isang papasikat na PBA player nga ba ang humiling sa kanyang agent na ihanap na siya ng bagong team?

Hindi niya yata kasundo si coach at nakikinita niyang masisira lang ang career niya sa present team niya.

Ewan kung ano ang gagawin ni player agent.

At ewan din kung papakawalan ba siya ng kanyang team sa ­ngayon.