Una sa Balita

EYE-BALL: Manila Classico minus Yap

By
0 126

Nakahanda na ang Brgy. Ginebra at ang Star Hotshots  para sa kanilang Manila Classico bukas sa Philippine Arena sa B­ocaue, Bulacan.

Katunayan, nag-practice ang dalawang koponan kahapon at kap­wa nagsabing handang-handa na sila sa klasikong w­alang James Yap.

Kahit wala si Yap, na nai-trade na sa Rain or Shine, inaasahang matindi pa rin ang intensity na magaganap sa nasabing laro bukas.

Interesting na aabangan sa laro kung makakabawi ang Kings na galing sa talo, habang panalo naman ang Star.

There’s fire in the eyes of the  Ginebra players, ‘ika nga kasi hindi na sila dapat pang matalo dahil sa kanilang record na 2 3.

Ang Star naman ay nasa winning streak, kaya lalo silang ganadong maglaro.

Speaking of Manila Classico, hindi nawawala ang excitement ng mga players, lalo na si Peter June Simon.

“I’m always excited kapag Manila Classico, kapag kalaban namin ang Ginebra kasi kakaiba ang intensity. Mahirap ipaliwanag, iba talaga,” sabi ni PJ.

Sa kabilang banda, ilang Manila Classico na rin ba ang nilaruan ni Mark Caguioa?

Hindi na niya makakaharap si Yap, pero Ganado pa rin siya sa labang ito.

Kaabang-abang din kung makakabawi si LA Tenorio, na scoreless sa huling laro ng Kings vs Alaska.

Gayundin ang top player ng Star na si Paul Lee, na nagpakitang-gilas laban sa dating team Rain or Shine sa huling panalo ng Star.

Sina James at Paul ang nagpalitan ng teams bago magsimula ang Philippine Cup.

Sold out na rin ba ang labanang  ito sa Philippine Arena?

Malalaman natin bukas.

***

Nag-uumapaw naman ang kasiyahan ni Jayjay Helterbrand ilang araw bago ang Pasko.

Ito’y dahil gruma­duate ang kanyang anak na si Keana mula sa Colorado University with a degree in computer engineering.

Magandang Pamasko ito para sa pamilya ni Jay.

***

Iti-trade nga ba si Asi Taulava ng NLEX?

Tanong ito ng mga fans, dahil bihira umanong gamitin ang 43-anyos na veteran player mula nang si Yeng Guiao na ang coach ng NLEX.

Anong team kaya ang interesado kay Asi?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy