Una sa Balita

Eye-Ball: Mag-PBA na kaya si Robert Bolick?

By
0 2

Akalain mo bang mangyari pa yun.

Konting minuto na lang ang natitira sa laban ng San Beda at CSB at tambakan ang laban  eh nangyari pa ang unfortunate incident na yun na naging resulta ng pagkaka-suspend kay Robert Bolick, isa sa leading contenders ng MVP sa NCAA.

Isang hard foul ang naibigay ni Carlo Young kay Bolick at ‘dun na nagsimula ang lahat.

Abante Hiring – IT dep

Na-control naman agad ang gulo but in the end, nabigyan ng foul si Bolick at na-thrown out.

Kinabukasan, one game suspension na sa kanya.

******

May mega nagre-rek lamo sa nakakita ng vi­deo ng naturang play.

Majority sa channel, nagsasabing wala namang ginawa si Bolick para mag-merit ng foul at suspension. Pero iba ang nakita ng technical committee.

******

Ibig sabihin n’yan, out na si Bolick sa lahat ng posibleng individual awards, kasama na ang MVP.

Ruling na yan ng NCAA noon pa man.

Pero si Bolick ay agad nagsabing okay lang sa kanya.

Hindi naman siya naglalaro para makuha ang MVP kung ‘di para makuha ang championship para sa San Beda.

******

Si Boyet Fernandez ay nanggalaiti rin sa galit sa kanyang post-game interview.

Para sa kanya, sinira ng NCAA technical committee ang future ni Bolick sa NCAA awards.

Pati si Fernandez ay nabigyan ng one game suspension, along with Clint Doliguez na nakitang pumasok sa court.

******

May mga nagsasabi na puwede nang mag-pro itong si Bolick.

Pero may dalawang taon pa siya sa San Beda, including this season.

Kaya sa kanilang line-up, si Davon Potts lang ang nagsumite ng kanyang application sa PBA draft.

Sa pangyayaring ito, mag-decide na kaya si Robert Bolick na mag-pro na rin this year?

Aabangan natin ang decision ni Bolick.