Una sa Balita

EYE-BALL: La Salle-Ateneo finale?

By
0 2

Nanalo ang Ginebra kontra Global Port sa kanilang tune-up game.

Napakaganda ng inilaro ng mga players ni Coach Tim Cone. Katunayan, nagawa nilang talunin ng 19 points ang Batang Pier, 102-81.

Nanood si Greg Slaughter, na a few weeks ago ay sumailalim sa ACL surgery at nagpapagaling na ngayon.

Abante Hiring – IT dep

Nakapirma na rin ng panibagong tatlong taong ­kontrata si Slaughter sa Brgy. Ginebra.

***

Ang kaibigan naming dating player na si Guy Eppil ang MVP sa St. Mary’s of QC Basic Education Parent Teachers Ugnayan Sportsfest.

Kahit abala sa kanyang negosyo itong si Guy ay nagagawa pa rin ­niyang lumaro.
‘Yun lang naman kasi ang kanyang hobby. Congratulations!

***

Opening na ng PBA bukas. Muse ng Ginebra si Kim Domingo.

Sa Star Hotshots ay si Miss International 2016 Kylie Versoza.

Sa SMB team si Yassi Pressman.

At ‘yung ibang teams ay puro beauty queens.

***

Parang papunta na sa Ateneo-La Salle ang UAAP finals, unless may magagawa pa ang FEU at Adamson para pigilan ang match-up ng dalawang team.

Samantala, sold out ang tickets sa cheerdancing competition ngayon.

Nakakalungkot lang kasi wala ang UP Pep Squad.