Una sa Balita

Eye-Ball: Kain-tulog na import

By
0 6

Ateneo vs La Salle bukas sa FilOil basketball tournament.

Masusubukan ang lakas ng La Salle kahit wala na sa lineup sina Jeron Teng at Thomas Torres.

Angat pa rin naman ang Green Archers kung lalim ng bench ang pag-uusapan, pero alam nyo naman ang puso ng Blue Eagles, lalo na kapag ang pinakamatin­ding karibal ang kalaban.

***

Excited na talaga si Greg Slaughter na muling makalaro sa Brgy. Ginebra.

Sa huling laro ng Kings ay ni-reactivate na si Slaughter. Naka-uniporme na nga siya at nakaupo na sa bench ng Ginebra, pero hindi pa siya ginamit ni coach Tim Cone.

Kasali na rin si Greg sa drills at scrimmages ng team.

Hindi naman nagmamadali si Greg na makalarong muli. Pinauubaya niya kay coach Tim ang lahat. Pero, sakaling makarating sa Finals ang Ginebra, malamang na doon isasalang si Greg.

***

Ngayong araw naman ang Game 4 ng Golden State Warriors at Cleveland.

Makabawi pa kaya ang Cavaliers o tuluyan na itong masu-sweep ng Warriors?

Maulit kaya ang nangyari last year na matapos umabante ng Warriors, 3-0, ay na-sweep sila ng Cavs?

Lahat ay possible, lalo na’t may homecourt advantage ang Cleveland.

Kanino kayo?

***

Balitang wala raw kabisyu-bisyo ang isang PBA import. At sa bahay lang siya buong araw kapag walang laro at pagkatapos ng practice.

“Ang ginagawa lang niya, kain-tulog, kain-tulog. After kumain, pinapanood niya ‘yung video ng mga games ng kalaban nilang teams, pinag-aaralan niya ‘yung bawat galaw ng kalaban. Ganyan siya kasipag, ganyan siya katiyaga,” kuwento ng kasama ni import. Sino siya?