Una sa Balita

Eye-Ball: Jeron ready na sa PBA

By
0 3
Scottie at Fernando G. Iso, assistant vice president-human resources and administration ng King Sisig.

Parami nang parami ang endorsement ni Scottie Thompson.

Kamakailan lang, pumirma siya sa King Sisig bilang bago nitong ambassador. Natutuwa naman si Scottie at patuloy na maraming companies ang nagtitiwala sa kanya.

***

Bago pa lang na team sa PBA D-League ang Flying V pero hayan at nananalasa na ito.

After the eliminations, naka-10 sunod silang panalo sa liga. Walang sinumang nakatalo sa kanila, including defending champs Cignal.

***

Ibang klase ang inilalaro ni Jeron Teng sa D-League.

Nakaka-dalawang triple-double na siya para sa Flying V.

As if to tell everyone… “Ready na ako sa PBA”.

Isa sa mgpapa-draft si Jeron sa PBA rookie­ draft at ‘yung ibang teams eh kinu-consider na itong si Jeron to be among the Top 3 picks dahil sa ipinapakita niya sa D-League.

***

Sobrang inspirado ngayon si Kevin Alas.

Kaya naman laging maganda ang laro niya para sa NLEX.

Inamin na niya ang relasyon niya sa courtside reporter na si Selena Dagdag. Bagay na bagay sila.

‘Yan lang ang masasabi namin.