Una sa Balita

EYE-BALL: Ibang klase si Scottie

By
0 6
Head coaches at team captains ng participating teams sa 2017 Belo-Philippine Superliga Invitational Conference Grand Prix.

Isang mas exciting na PSL women’s volleyball tournament ang nakatakdang mangyari soonest.

Ibang klase rin naman ang nagawang impact ng women’s volleyball sa ating bansa.

Kahit na ang mala­laking kumpanya ay nakasuporta na sa team.

Congrats, PSL.

***

Isang six-footer ang siya ngayong leader sa rebounding stats ng kasalukuyang confe­rence.

Ibang klase din naman itong si Scottie Thompson pagdating sa rebounds.

Maaasahan na sa scoring, eh bongga pa rin maging sa rebounds.

Napakasuwerte ng Ginebra na nakakuha sila ng isang player na tulad ni Scottie Thompson.

***

Malaki na rin ang improvement na nagawa ni Chris Ellis sa Ginebra.

Kung dati ay marami siyang bashers dahil bumaba ang laro niya, dito sa Finals ay nakahabol naman siya at isa siya sa players na maraming playing time kay Coach Tim Cone.

***

Sa March 17 na agad ang resumption ng bahong conference ng PBA.

Ito na ‘yung may mga imports kaya marami ang naghihintay.

Si Wayne Chism ang para sa NLEX.

Si Tony Mitchell ang para sa Star.

At sa Ginebra naman ay ang nagbabalik na si Justin Brown Lee.