Una sa Balita

Eye-Ball: Grabe ang suporta

By
0 5
RONALD MASCARINAS

Nagkaroon ng press conference at send-off party ang Gilas cadet team para sa SEA Games.

Dumalo ang mga players, coaching staff, ang media, ang mga PBA officials at ang Chooks-to-Go family sa pangunguna ni Pres. Ronald Marscarinas.

Over the past months, grabe ang ipinapakitang suporta ng Chooks to Go sa Gilas Pilipinas.
Pati sa coverage sa TV5, naka-sponsor din sila.

“We at Chooks to Go are happy to help our natio­nal team. It’s our passion,” sabi ni Mascarinas.

Sasali na nga ba sa PBA ang Chooks to Go?

*** 

Very sweet sa airport sina Alyssa Valdez at Kiefer Ravena kahapon sa pag-alis ng national team patungong Malaysia.

Kasama si Kiefer sa Gilas cadet team at isa siyempre si Alyssa sa naghatid sa kanya sa airport.

*** 

Nagbukas na nung isang gabi sa publiko ang District 8 bar sa Greenhills.

Magkakapartners dito ang mga basketbolistang sina James Yap at Mark Pingris at ang mga da­ting players na sina Francis zamora at Paul Artadi. Kasama rin nila as owners sina Daniel Padilla at Vice Ganda.

Punum-puno ang naturang lugar sa napakaraming guests na basketball players at artista.

Si Kathryn Bernardo ang siyang nanguna sa ribbon-cutting.

*** 

May nagtanong sa amin na isang San beda alumnus: Sino kaya ang unang tatalo sa Lyceum of the Philippines sa NCAA gayung nakalagpas na sila sa San Beda?

‘Yan din ang tanong ng maraming basketball fans.

Habang isinusulat ito’y nagbabakbakan ang Lyceum at Letran.