Una sa Balita

EYE-BALL: Endorsement pa more kay Thompson

By
0 8
Si Scottie Thompson (gitna) kasama sina Louie at Marc Gamboa.

Pagpapatunay na sikat na talaga si Brgy. Ginebra player Scottie Thompson ang patuloy na pagdami ng kanyang endorsements.

Kamakailan, kinuha siyang endorser­ ng ­Gamboa Sports. Pumirma­ siya ng kontrata­ kasama sina sports ­patron Louie Gamboa at Marc Gamboa.

Nasa Davao City ngayon (Sabado) si Thompson at ang Ginebra, para sa out-of-town game ng PBA at makakalaban nila ang Phoenix.

***

Tinalo ng Cignal ang Racal Motors sa Game 1 ng Finals ng PBA D-League.

Tinambakan ng Cignal, pero sa bandang dulo ay hinabol din sila ng Racal.

Si Jason Perkins ang siyang nagsilbing spark para sa Cignal team.

Pero, tiyak na babawi ang Racal sa game 2.

***

Natutuwa ang maraming fans kasi nga, single na si Thomas Torres.

Meaning, wala na itong girlfriend, kaya naman nabuhay ang ilusyon ng mga fans.

***

Na-trade na si KG Canaleta mula sa Global Port patungong Blackwater.

Pero sa mga susunod na araw may mga mang­yayari pa raw na palitan ng players. Sinu-sino kaya ang next?

***

Ready na si Kiefer Ravena na maglaro para  sa Alab Pilipinas. Sa unang practice niya sa team ay binigyan siya ng warm welcome ng mga players at coaching staff.

‘Yun naman kasi ang kailangan ni Kiefer, ang moral support mula sa kanyang team.