Una sa Balita

Eye-Ball: ‘Di lang pang-sports, pang-business din

By
0 0

Dumarami ang mga negosyanteng basketball players.

Gaya na lang nina James Yap, Marc Pingris, Francis Zamora at Paul Artadi na magkaka-partner sa isang negosyong kainan.

District 8 ang pa­ngalan ng restaurant nila at ka-partner din nila sina Daniel Padilla at Vice Ganda. August 8 ang opening ng District 8 bar.

Congratulations.

***

Si Scottie Thompson naman ay marami na ring branches ng Pound for Pound fitness gym.

Nag-umpisa ang Pound for Pound sa may Bonifacio sa QC, nasundan sa Marikina at sa Davao.

Pati ang kanyang Thompson barber shop ay may franchise na rin sa Metro Manila.

Good investments.

***

Si Aljon Mariano naman ay may Wok Your Way Manila sa Container Turf sa Parañaque.

May kapartner din siya sa negosyong ‘yan.

Maganda ‘yan na habang bata pa eh nagnenegosyo na ang mga basketball players.

Para nakikita nilang may pinupuntahang maganda ung kinikita nila sa paglalaro.

***

Estudyante ng AMA on Line Education si Andrei Paras.

Kahit na artista na si Andrei, tinatapos pa rin niya ang kanyang pag-aaral.

Patuloy na maglalaro si Andrei para sa AMA sa PBA D League.

Nakuha naman ng Tanduay ang twice-to-beat advantage sa PBA D League ng manalo sila sa Racal nuong Huwebes.

Masaya si Coach Lawrence Chongson sa narating ng kanyang team ngayong season.

***

Dalawang sunod na araw nakansel ang NCAA games dahil sa sama ng panahon.

Ang kapakanan ng mga estudyanteng manonood ang isinaalang-alang ng MANCOM sa pagkansela sa mga laro.