Una sa Balita

EYE-BALL: Darating na ang PCCL

0 6

Marami ang nagulat sa pagkaka-trade kay Ranidel De Ocampo. 

Siya na rin kasi ang nagsilbing mukha ng TNT simula pa noon.
May TV commercial pa ang TNT na si Ranidel ang bida.

Sa social media ay nag-post ang mga kapwa niya PBA players at nagpakita ng laking gulat sa trade na yun.

Akala nga nila, sa TNT na magre-retiro si Ranidel.
Ganyan talaga ang buhay ng mga basketball players.

Hindi mo alam ang kapalaran sa larangan ng trades.
Magigising ka na lang isang umaga, iba na ang jersey na isusuot mo.

For the meantime though, wala na munang trade na magaganap.

***

Ang susunod na trades ay magaganap na sa mga disqualified na teams after the elimination round.

At yung malalaking trades, mangyayari na ‘yan bago ang susunod na conference.

*** 

Mayroon pa ring PCCL.

Champions League yan kung tawagin.

Maglalaban-laban ang mga champions ng college leagues sa buong bansa,
Sa ngayon, inaayos na ang mga dateline at mechanics.

May TV coverage at si Coach Joe Lipa pa rin ang mamamahala.
Abangan ang mu­ling pagsibol ng PCCL.

*** 

Nag-practice na si Allein Maliksi sa Blackwater nung isang araw.

Ito pa ang isang trade na gumulat sa lahat dahil ang alam ng marami, isa sa key players ng Star si ­Allein.

Bakit kaya nangyari ‘yan, tanong ng mga basketball fans.
Baka nagkaroon lang ng problema si ­Allein sa management.

O sadyang tapos na ang kontrata niya?