Una sa Balita

Eye-Ball: Coach Lipa na sa Mahindra?

By
0 1

Si former national coach Joe Lipa na ang siyang nagpapatakbo sa Mahindra team.

Sa practice, he calls the shots.

Pero maiiwan naman si Chris Gavina as member of the coaching staff.

Hindi lang sure kung sa PBA games ay si Joe na rin ang head coach.

Pero, one thing for sure, uupo na siya sa bench ng Mahindra.

***

Birthday ni Scottie Thompson kahapon. Ito na yata ang pinakamasaya na niyang birthday, dahil maayos ang kanyang career at marami siyang endorsements.

Pati lovelife niya ay maayos. Ano pa bang hahanapin niya?

Happy birthday, Scottie.

***

Francis Gabriel Guissani
Francis Gabriel Guissani

Isa sa magaling na player sa lineup ng San Beda team B itong si Francis Gabriel “Lele” Guissani.

Nakapaglaro na siya sa Fr. Martins Cup at iba pang college leagues para sa San Beda at maayos naman ang kanyang performance.

We hope to see him soon sa team A ng San Beda College Red Lions.

***

Nanalo na rin ang Mapua Cardinals sa NCAA.

Tinalo nila ang Letran Knights noong Martes.

Matagal nang hindi nananalo ang Mapua matapos mawala sa kanila si Allwell Oraeme.

Ngayon, napatuna­yan nila na kaya rin nilang manalo kahit wala na sa kanila si Oraeme, na two-time NCAA MVP.