Una sa Balita

Eye-Ball: Chooks to Go sasabak na sa PBA?

By
0 53

Nakaalis na ang Gilas cadets team para sumabak sa Jones Cup sa Taiwan.

Malalaman na natin kung paano maglaro si Kobe Paras.

Marami ang intere­sadong makita kung paano talaga maglaro itong anak ni Benjie Paras, dahil hindi pa naman siya napanood ng mga Pinoy maglaro.

Besides, sa US din kasi siya naka-based at du’n naglalaro sa kanyang college team.

Tanong: Will he be a factor para sa Gilas?

Malalaman natin.

*** 

Sasali na nga ba ang Chooks to Go sa PBA?

Bibili ba sila ng sari­ling franchise o nakabili na sila ng franchise ng isang PBA team?

‘Yan ang kumakalat na tsismis ngayon sa PBA.

Sabi-sabi sa susunod na conference ay kasali na ang Chooks to Go sa mga teams na maglaban-laban.

Focused ang Chooks to Go sa pagsuporta sa ating mga national team, maging sa FIBA 3×3 team.

Ganun ka-interesado ang presidente ng Bounty Fresh na si Ronald Mascariñas na ma-involve sa mundo ng sports.

*** 

Nairaos naman nang maayos ang first NCAA On Tour na ginanap noong Huwebes sa Arellano University.

Grabe ang security pero maayos naman ang flow ng crowd, kahit na maraming SSC students.

Susunod naman ay sa Mapua gagawin ang game. At kalaban ang Perpetual Help.

*** 

Mapua University. Jose Rizal University. University of Perpetual Help, Arellano University, Lyceum of the Philippines University.

Puro na sila university sa NCAA.

Puwede na silang lahat mag-apply sa UAAP.

Susunod pa ang San Beda.

*** 

Champion na ang Petron sa PSL.

Nanguna si Mika Reyes sa Blaze Spikers para talunin ang F2 Logistics noong Huwebes ng gabi. Dikit ang laban, five setter.

Ironically, nang magkampeon last year ang F2 ay kasama pa si Mika sa team, at ngayong nag-champion ang Petron ay kasali pa rin siya. Suwerte ah.

Hindi lang sa basketball namamayagpag ang San Miguel Corporation, maging sa volleyball.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy