Una sa Balita

Eye-Ball: Binaboy ni Romeo

By
0 4

Tinambakan ng San Beda Red Lions ang Mapua kahapon sa NCAA, 65-55.

Hindi makalaro si Andoy Estrella para sa Mapua dahil sa MCL injury.

Nagtala naman ang San Sebastian Stags ng highest score sa ongoing tournament, nang tambakan ang St. Benilde, 101-71.

***

Ibang klase ang pagkapanalo ng Gilas Pili­pinas laban sa China noong Miyerkules ng gabi. Ibang klase din ang inilaro ni Terrence Romeo. Binaboy ni Terrence ang mga guardiya ng China. Tinupad ni Terrence ang pangako niya last time kay Chot Reyes na babawi siya sa China.

Kagabi ay kalaban nila ang Iraq.

***

Sina Marc Pingris, James Yap, Paul Artadi at Francis Zamora, kasama sina Vice Ganda at Daniel Padilla sa pagbubukas ng District 8 sa Greenhills.

Nagbukas na ang bar business nina James Yap, Marc Pingris, Paul Artadi at Francis Zamora.
Kasama rin nila dito sina Daniel Padilla at Vice Ganda.

Punum-puno ang bar nung mag soft ope­ning ito nung isang gabi.

Dumating din ang mga players na sina Jericho Cruz at Mike Tolomia.

Nandun din si Karla Estrada.

Congrats sa lahat ng magkaka-partners sa District 8.

Ang District 8 ay nasa G Strip ng Greenhills.

***

Dating magkaribal pero ngayon ay magka-partners na sa volleyball national team.

‘Yan sina Mika Reyes at Alyssa Valdez.

Sila ang best players sa pagkapanalo ng ating national volleyball team kontra Hong Kong noon ding Miyerkules.

***

Nasa Pico de Loro kahapon ang Star Hotshots team. Dalawang araw ang team building nila dun.

Sa Lunes, ang Ginebra naman ang magti-team building dun.

Sinamantala ng Hotshots ang pagkakataong naka-break ang PBA.