Una sa Balita

Eya walang atrasan sa kabila ng injury

0 287

NATALO tinamaan ng injury, sinubok!

Para kay UST super rookie Eya Laure, lahat ng ito ay pagsubok lamang sa kanya ng Panginoon at handa siyang bumangon.

Natalo ang Golden Tigresses sa Game 2 ng best-of-three championship showdown kontra Ateneo Lady Eagles Miyerkoles kung saan ay na-injury pa si Laure matapos bumagsak ang kaliwa niyang paa kay Kat Tolentino sa simula ng third set.

Nakabalik siya bago matapos ang third frame subalit halatang iniinda nito ang i­njury kaya inilabas siya ni head coach Kungfu Reyes sa fourth set.
“Noong nilabas ako, hindi ako makapaniwala na inilalabas ako kasi sabi ko sa sarili ko kahit anong mangyari sa championship na ‘to gagawin ko talaga lahat,” saad nito.

Para sa Rookie of the Year at First Best Outside Hitter, isang pagsubok lang ang pagkatalo ng España-based squad.

“Para sa akin, pagsubok lang ‘to na dapat lagpasan para manalo, pagsubok lang ‘to na dapat malagpasan para makamit ‘yung gusto mong makuha,” saad ni Laure.

“And for me naman babangon at babangon talaga kami and hindi ako susuko ng ganun-ganon lang.”

Tanging 10 puntos lang ang naiambag ni Laure pero nangako siyang babawi sa do-or-die Game 3 sa Sabado. (J­aniel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy