Una sa Balita

Eya, UST hahagupitin ang AdU sa Game 1

0 338

Finals Game 1 ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
9:00am — Ateneo vs DLS-CSB
11:00am — UST vs Adamson

HUHUGOT ng lakas ang UST Golden Tigresses kay Eya Laure sa opener ng best-of-three finals nila kontra Adamson Lady Falcons alas-11 ng umaga sa 3rd PVL Collegiate Conference 2019 sa FilOil Flying V Centre.

Pangungunahan ni Eya ang atake ng Golden Tigresses matapos humataw ng 21 points kabilang ang 17 attacks at 7 excellent receptions sa rubbermatch semis nila kontra Ateneo nitong Oktubre 6.

Aasa rin si UST head coach Kung Fu Reyes kay Imee Hernandez, na nag-ambag ng 14 points sa kanilang huling laban.

Tatapatan ito ng Adamson sa pangunguna ni Trisha Mae Genesisna may game-high 20 points sa huling laro bago sumampa sa finals.

Katuwang ni Genesis si Lucille May Almonte matapos magpasabog ng 11 attacks kabilang ang 3 blocks at 13 excellent digs kontra DLS-CSB. (Aivan U. Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy