Una sa Balita

Eya mala-dyosa sa pagrampa

0 255

KUNG noong nakaraang taon ay rookie si Ejiya ‘Eya’ Laure sa UAAP, nitong Sabado ay bagong challenge naman ang kanyang sinuong.

Rumampa siya kasabay ang mga sikat na artista sa ABS-CBN Ball 2019.

Pero bago nakipagsabayan sa grand event ng Kapamilya network, naglaro muna si Laure sa 3rd Premier Volleyball League Collegiate Conference 219 elims para sa Sto. Tomas Tigresses kung saan nakapuntos siya ng 20 para kalmutin ang Arellano Chiefs, 25-21, 25-23, 22-25, 25-23.

“Rookie ako ball eh, ‘di ko rin alam kung ano ang galawan doon,” ayon kay Laure, na ilang oras ang nakalipas ay nagsaboy na ng kagandahan sa kanyang black dress na dinisenyo nina Mark Tamayo at Louver del Castillo.

“Kapag doon babae tayo doon ganoon,” aniya, na sinegundahan naman ng kanyang coach na si Emilio ‘Kungfu’ Reyes, Jr..

Dumating bilang strong, independent woman si Laure sa ball, walang escort sa kanyang tabi, na mas lalong kinakaba ng last year’s UAAP Rookie of the Year.

Ngunit ‘di ito halata sa aura ng magandang balibolista, lutang ang kagandahan na tila isang mabangis na tigre.

Sa social media, maraming pumuri sa naging look ni Laure, sabi pa ng iba ay papasang artista ang USTe star.

“She looks beautiful pang artista ang dating niya.. simple lang!!! Di lang pang SPORTS pang ARTISTA PA!” ayon kay Roland Kabayan Ronquillo.

“Ganda talaga ni eya slaya laure huhu grabe po genes,” sey naman ni @xccyss. (Ray Mark Patriarca)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy