Una sa Balita

Eya gumagawa ng sariling ingay

0 165

ISANG pasabog ang unang sabak ni UST Lady Tigresses rookie sensation Eya Laure sa ongoing finals ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament bilang katuwang ni Most Valuable Pla­yer Sisi Rondina.

Pakay ng Golden Tigres­ses na makuha ang unang titulo matapos huling magkampeon noong Season 72.

Nauna nang maging matunog ang pangalan ng 19-year-old volleybelle bilang naka­babatang kapatid ng nakaliban na si UST outside hitter EJ Laure.

Sa maikling panahon lamang ay unti-unti nang gumagawa ng sariling pangalan ang nakababatang Laure dahil sa ipinamalas nitong stellar performance ngayong season upang tangha­ling Rookie of the Year tulad ng kanyang ate na tumangap din ng kaparehong parangal noong Season 77.

“Siyempre ‘yun naman talaga ang gusto ko, makilala bilang si Eya pero apart from that hindi naman mawawala na Laure ako kasi ‘yun naman nasimulan ng daddy ko,” sabi ni Laure. (Myris Lee)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy