Una sa Balita

Eya, EJ bibida sa bangis ng Uste

0 329

MULING ipapakita ngayong taon ng University of Santo Tomas Golden Tigresses ang taglay na bangis sa nakatakdang UAAP Season 82 Women’s Indoor Volleyball Tournament 2020.

Sumampa sa Finals ang koponan matapos ang walong taong paghihintay pero kinapos sa kampeonato laban sa Ateneo de Manila University Lady Eagles.

Malaking puwersa ang nawala sa mga tigre ngayong taon sa pag-graduate nina Season 81 MVP Cherry Ann Rondina at veteran Dimdim Pacres at Rica Rivera.
Pero may piyesa ang España-based squad sa pamamagitan nina reigning Rookie of the Year Ejiya ‘Eya’ Laure, team skipper Alina Bicar, Kecelyn Galdones at Ysa Jimenez.

Kaabang-abang rin ang pagbabalik ng ate ni Eya na si Ennajie ‘EJ’ Laure mula sa injury suot na nagpahinga sa kanya ng dalawang taon.

Off season, nakasampa rin sa podium finish ang Golden Tigresses – silver medal sa 3rd Premier Volleyball League Collegiate Conference 2019 sa San Juan at bronze sa 24th UNIGAMES 2019 sa Bacolod.

Kagaya ng karamihang mga kalaban, nagka-foreign training camp din ang Uste sa Taiwan para paghanadaan ang torneong magbubukas dapat ngayon, pero naurong sa ihahayag pang petsa sanhi ng Novel Coronavirus o NCOV-19.

Masusubukan ang bangis ng mga Tomasina sa opening game kontra Far Eastern University Lady Tamaraws. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More