Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Extremely Tough, Rodrigo markado

0 234

PAKAY ng mga kabayong Extremely Tough at Rodrigo na maka-graduate sa 3-Year-Old & Above Maiden Race ngayong araw sa Metro Turf sa Malvar – Tanauan City, Batangas.

Pero isa lang sa kanila ang maaaring matupad ang pakay o puwede rin na pareho silang mabigo dahil ‘yun din ang misyon ng ibang kasali sa event na may distansiyang 1,400 metro.

Ang ibang kalahok sa karera na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ay sina Hermanamayorisland, That’s My Dad, Mark Of Distinction, I Love Rosario, Candaba, Dream Big, Biktori, Blown Away, Full Of Alibi, Stolen Moment at Winsome Maxxine.

“Maraming magagaling puwede rin manalo si Mark Of Distinction kaya kailangan apat ang piliin mo para makapuntos sa winner take all,” hayag ni Clemente Agoncillo.

Siyam ang nakahain na karera ngayong araw kaya inaasahang masisiyahan ang mga karerista. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.