Una sa Balita

Extrajudicial settlement of estate

0 395

Dear Atty. Claire,

Good day po Atty. Ask ko lng po may tax declaration na pinadala ang muninsip­yo sa amin na nakapangalan sa lolo ko pero matagal na po syang patay. Wala na rin po ang tatay ko na anak ng lolo at lola ko. Binayaran ko na po yung tax sa munisipyo sa ilang taon na di nabayaran. Gusto ko sanang bilhin ang lupa at ipatitulo ko po sa akin. Ano po ba dapat ko gawin Atty?

Salamat po sa tugon,
Rhiz

Ms. Rhiz,

Tama ang desisyon mo na bilhin ang ari-arian ng lolo mo dahil sa hindi iyan mapapasaiyo dahil lamang sa ikaw ang nagbabayad ng amilyar.

Related Posts

Ang una mong gawin ay kausapin lahat ang tagapagmana ng lolo mo. Iyan ang mga kapatid ng tatay mo (kung wala na sila ay ang mga anak nila). Sabihin mo na balak mo nang bilhin ang ari-ariang naiwan ng lolo mo at babayaran mo o bibilhin ang share nila sa mana.

Kapag pumayag sila ay magsagawa na kayo ng Extrajudicial Settlement of Estate with Waiver at lahat ng mga tagapagmana ng lolo mo (pati ng tatay mo) o ang kanilang napiling representative ay dapat na nakapirma rito.

‘Pag naayos mo na iyan ay kakailanganin mong ipadyaryo ang Extrajudicial Settlement of Estate bago bayaran ang estate tax sa BIR at ang ibang fees. Matapos bayaran lahat ang taxes at fees ay maaari ka nang pumunta sa Register of Deeds para mapatituluhan sa pangalan mo. Lakarin mo rin nang maayos ang tax declaration para mai­lipat sa pangalan mo.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410 7624 o 922 0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy