Una sa Balita

Extra power ni Duterte lusot na sa Senado

0 580

Sa botong 12-0, inaprubahan ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang isang panukala na magbibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte ng dagdag na kapangyarihan para pigilin ang pagkalat ng COVID-19 at tugunan ang epekto nito sa bansa.

Sa Senate Bill No. 1418 o Bayanihan to Heal as One Act, ilalagay din ang buong bansa sa ilalim ng national emergency dahil sa COVID-19 outbreak.

Tanging si Senadora Risa Hontiveros lang ang nagpahayag ng pagkontra sa naturang panukala.

Sa special session noong Lunes na nagtapos na kaagahan ng Martes, ilang beses sinuspinde ng Senado ang sesyon para talakayin ang ilang pag-amiyenda sa nasabing panukala.

Kabilang dito ang tulong na ibibigay sa mga health worker na maaring maapektuhan ng coronvirus disease gayundin ang pagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga namatay sa nasabing virus.

Ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang direktang magpapasan ng gastos sa lahat ng medical expenses ng lahat ng public at private health workers sa oras na mahawahan sila ng sakit na ito.

Sa Kamara, inaprobhan ang counterpart bill Martes ng madaling araw sa botong 284 pabor, 9 kontra at walang abstension.

Sa ilalim ng Senate Bill 1418 na inihain nina Senate President Vicente Sotto III at Senadora Pia Cayetano, binibigyan nito ng kapangyarihan si Pangulong Duterte na mag-realign ng pondo ng gobyerno ngayong nahaharap ang bansa sa isang health emergency.

Sabi ni Cayetano, maari ring ilipat ng Pangulo ng P175 bilyong cash mula sa iba’t ibang sa government-owned or controlled corporations.

Puwede rin kunin ang P100 bilyong pondo mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na gagamiting pangsuporta sa mga program sa health at economic threat ng nasabing sakit.

Hindi naman ginalawa ang spending program ng gobyerno sa taong 2020.

Nakasaad din sa panukala, na tatanggap ang mga mahihirap na pamilyang Pinoy na P5,000 hanggang P8,000 kada buwan sa loob ng dalawang buwan mula sa national government at local government program.

Sa pag-take over naman ng mga utility at business, nakasaad sa Senate version na dapat may kondisyon na inilatag sakaling kontrolin ito ng pangulo.

Maaring gamitin ang mga pasilidad na ito bilang temporary housing para sa mga health worker, quarantine area o lokasyon para sa aid distribution.

Ang mga transportation facility naman ay puwedeng gamitin para sa pagsasakay ng mga health, emergency at frontline personnel. (Dindo Matining)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More