Una sa Balita

Extra judicial funding vs. krimen

By
0 2

Inirekomenda ni Se­nate President Pro Tempore Ralph Recto ang pag­lalaan ng extra judicial funding bilang panla­ban sa krimen at mapa­natili ang kaligtasan ng komunidad.

Ayon kay Recto, gagamitin ang pondo sa modernisasyon ng mga korte at mga equipment para sa public attorneys at prosecutors upang mabawasan ang mga backlog ng mga kaso at gumulong ang hustisya.

Binigyang-diin ng senador na dapat nang resolbahin ang kawalan ng sapat na tauhan at mga kagamitan sa hudikatura.

Ito anya ay kung nais ng gobyerno na maisulong ang pagpapatupad ng rule of law na sa nga­yon ay nalalagay sa ala­nganin dahil sa ilang indibidwal o institusyon na gumagamit ng mga iligal na pamamaraan sa pagsusulong ng hustisya.

Iginiit ni Recto na ang mabilis na pagresolba sa mga kaso ay magiging solusyon sa pagsisiksikan sa mga kulu­ngan na nagiging corporate headquarters na ng crime syndicates at ‘masteral schools’ sa kanilang mga miyembro.

Ipinaliwanag din ng senador na kung mataas ang case resolution rate mas malaki ang matiti­pid ng pamahalaan na ang pondo ay magagamit sa social services.

“Courts literally grapple with mountains of paperwork. Far from being magisterial, many courthouses now have the look and smell of an old bodega de papel,” saad ni Recto.