Una sa Balita

Exports bumagsak, imports tumaas

By
0 6

Habang bumabagsak ang exports, sumirit naman pataas ang imports sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong buwan.

Ang naitalang pagbaba ng pangunahing shipments ng bansa ay dulot umano ng mahinang demand mula sa ilang major markets.

Batay ito sa data na inilabas kahapon ng pamahalaan.

Sa data ng Philippine Statistics Authority, lumitaw na bumagsak sa 7.5% ang exports noong buwan ng Nobyembre ng nakaraang taon kumpara sa 7.6% growth noong Oktubre.

Pero bilang senyales naman na nananatiling ma­lakas ang domestic economic activity ng bansa, sumirit naman pataas ang imports sa 19.7%, pinakamataas sa loob ng anim na buwan dulot na rin ito ng pagtaas ng imported items tulad ng bakal at transport equipment.