Una sa Balita

Exponential bumida sa PCSO 2YO Open Race

0 201

IMPRESIBONG pinangi­babawan ni Exponential nitong Sabado ng hapon ang Philippine Charity Sweepstakes Office Special Maiden Race 2-Year-Old Open sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Sakay si former Phi­lippine Sportswriters Association Jockey of the Year Patricio Ramos Dilema, nalutsa pa si Exponential ni Arrogante.

Kinapitan ni Arrogante si Exponential sa backstretch, pero ‘di ito bumitaw hanggang sa huling kurbada ng 1,200 meter race.

Pero umungos sa rektahan si Exponential upang tawirin ang meta ng may limang kabayo ang agwat sa nasegundong si Arrogante.

“Maganda ‘yung puwesto namin, nasa tabing balya kaya ni-relax ko lang si Exponential kahit nakakapit si Arrogante,” saad ni Dilema.

Nasilo ng may-ari ng Exponential na si RB Puyat ang halagang­ P800,000 habang P250,000 ang nakopo ng owner ng Arrogante.

Tumersero si Prime Time Magic at nakalwit ang P150,000 habang tumanggap ang breeder­ ng winning horse ng P75,000 mula sa PCSO. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy