Una sa Balita

Expanded maternity leave isabatas na

0 695

Isabatas na, now na ang expanded maternity leave.

Ito ang apela nina Gabriela Women’s Party-list Reps. Arlene Brosas at Emmi De Jesus kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nangangamba ang dalawang mambabatas na i-veto ang panukala.

“The expanded maternity leave bill has gone through exhaustive deliberations with all agencies and stakeholders involved, including SSS (Social Security System). Bakit biglang ikokonsidera ng Pangulo ang ilang bulong at panukala na kontra sa hiling ng mga kababaihang manggagawa? He should sign it now,” giit ni De Jesus. 

Hindi aniya dapat maniwala si PDu30 sa mga ulat na malaking pondo ng SSS ang kakainin kapag ipinatupad ang batas sa pagpapalawig ng maternity leave.

“Hindi puwedeng gamitin ang kapalpa­kan ng SSS na ma­ngolekta ng contributions sa employers para hindi isabatas ang expanded maternity leave. Instead of floa­ting the cost, why not find ways to the plug the leaks at SSS by improving collection rate and dispose costly idle assets? Bakit kailangang pagkaitan ang mga buntis dahil sa koleksyong mintis?” giit ni De Jesus.

Batay naman kay Brosas, eksaherado ang kartada na aabot sa P6.4 bilyon ang gagastusin ng SSS kapag isinabatas ang expan­ded maternity leave.

“The so-called P6.4 billion price tag of expanded maternity leave is way off the mark. Tandaan natin na karamihan ng SSS members ay mi­nimum wage earners kaya mababa lang talaga ang salary cre­dit, bukod sa less than 10 percent lang talaga ang nag-a-avail ng maternity leave sa kasalukuyan,” sabi ni Brosas.

Sa ilalim ng expanded maternity leave ay magiging 105 araw na ang paid maternity leave mula sa kasalukuyang 60 araw. 
Nagbanta ang Gabriela solons na kapag na-veto ito ay asahan na ang galit at ngal­ngal ng mga nanay lalo na ang mga working mom.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy