Una sa Balita

Excited sa mga pabahay ng gobyerno

0 455

Winner ang mga taga-Malabon dahil sa kabi-kabilang programa na ibinababa ng Pamahalaang Duterte sa lungsod.

Una rito ang kauna-unahan at pinabagong San Lorenzo Ruiz General Hospital na may 200 beds, 5-storey building na sasagot sa serbisyong pangkalusugan ng mamamayan. Ngayon naman ay personal ng ipinangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapatayo at pamimigay ng pabahay sa mga taga-Malabon.

Mismong sa mga taga-Malabon niya ibinilin ang paghahanap ng lupa na pagtatayuan ng mga pabahay, katuwang ang kaniyang messenger na si running Malabon City Mayor Jeannie Sandoval.

Suwerte ng mga taga-Malabon dahil mayroon silang tila anghel sa langit na bumaba kay Pangulong Duterte upang bumulong tungkol sa mga problema sa lungsod at in fairness, epektibo ito.

Ganito ang eksaktong mensahe ng Pangulo: “Maghanap kayo ng lupa. Pagka bakante at ang sabihin nyo Kayo ang maghanap. Kung may mahanap kayo na lupa na medyo malaki at wala pang development, sabihin ninyo sa akin kasi ie-expropriate ko ‘yan, pilit bilihin ko ‘yan sa may-ari at gagawa tayo ng ating mga bahay.”

Hindi ba’t sina running Mayor Jeannie at Congressman Ricky Sandoval ang nagpahinto ng mga naganap na demolisyon sa Letre noong 2004. Hindi nila pinabayaan ang mga taga-Letre dahil sila ang pumigil na mapaalis ang mga kababayan nila roon.

Ang mag-asawang Sandoval din sa aking pagsasaliksik ang kumausap sa mga pulis na itigil ang karahasan, barilan at batuhan sa nasabing demolisyon.

Ang mga residente naman ng Tugatog, Tinajeros, Acacia at Potrero na naapektuhan ng North Rail Project noong 2003 ay nabigyan ng in-city relocation sa Kadima Ville kung saan mayroon na silang maayos at permanenteng tirahan ngayon.

Ang paunang 500 housing units ang ibibigay sa mga taga-Malabon upang mapunan ang pangangailangan sa permanente at disenteng pabahay. Masusundan pa ito dahil marami ang may kailangan nito sa Malabon kasunod ng lumolobong populasyon dito.  

Sa usaping ito tila nahuhuli ang lungsod dahil ngayon lamang mabibiyayaan ng ganito ang mga mamamayan ng Malabon, ‘yan ay dahil sa “Jeannie” power ng messenger ng Malabon.

Kaya sinong may sabing nakakaligtaan ng Pangulo ang ibang lugar, buhay na patotoo ang magagandang proyektong naibaba sa Malabon.

Sabagay isa lamang ang Malabon sa mga local na tanggapan na tumatanggap ng biyaya mula sa administrasyong Duterte.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy