Una sa Balita

Exchange of Hearts

By
0 446

Ika-08 labas

“Opo at isa pa malapit lang po ito sa pinapasukan kong bookstore. Siyanga pala ‘nay, bukas po ipapasyal ko kayo sa mall, saka ibibili ko kayo ng bagong damit para sa dinner natin ni Lucy.”

“Anak, hindi mo naman kailangan gumastos, may dala naman akong damit na pang-alis okay na ‘yon. Ilaan mo na lang sa pangangailangan mo dito ang perang gagastusin mo sa’kin.”

Naupos si Luisa sa tabi ng ina.

“Kayo po ang bahala nay, ang importante naman po ang sarili nyo ang maihanda nyo para sa pagkikita nyo ni Lucy. Napakaganda po niya ‘nay at sa tingin ko mabait rin siya!”

“Marahil nga kasingbait mo rin siya, kasi nga magkakambal kayo, kaya naman nananabik na talaga akong makita siya!”

“E nay, paano po kung makita rin natin si tatay?”

Hindi nakakibo si Aling Lore. May kung anong kirot sa puso siyang naramdaman.

“Hello Lucy, nandito na si nanay sa Manila, nasa apartment ko siya, so paano ang gagawin natin?” kausap ni Luisa kay Lucy sa cellphone habang naglalakad siya papasok sa mall kung saan nandoon ang bookstore na pinagtatrabahuhan niya.

“Actually may plano na’ko but I’ll call you back na lang this afternoon para pag-usapan natin, busy pa kasi ako now, tambak ang trabaho sa office!”

“Okay sige, antayin ko na lang ang tawag mo.”

Napa-second look si Migz nang mahagip ng mga mata niya si Luisa na inakala niyang si Lucy. Nasa mall kasi siya para bumili ng sapatos na gagamitin niya sa inaasahang trabaho.
“Lucy?”

Hinabol niya ang babaeng pumasok sa bookstore.

“LUCY SANDALI!”

Dahil medyo malayo ang distansya niya ay hindi siya nadinig ng dalaga. Pumasok siya sa bookstore at palinga-lingang hinanap ang inaakalang nobya.

“Lucy!” tawag pa niya sa pagbabakasakaling marinig siya nito. Dahil sa pagsigaw niya ay pinagtinginan siya ng mga tao sa bookstore.

Wala namang kaalam-alam si Luisa. Nagdiretso siya sa locker room nila sa loob ng bookstore.

“Hi Luisa!” bati ng kasamahan niyang si Jane.

Related Posts

“Hi! Hintayin mo na’ko Jane, magpapalit lang ako ng uniform.”

“O sige, dalian mo lang ha.”

Nabigo si Migz na mahanap si Lucy sa loob ng bookstore kaya lumabas na siya.

“Baka namalikmata lang ako…”

Paglabas na paglabas ni Migz ng bookstore ay siya namang labas rin ni Luisa mula sa locker room.

Nang nasa kotse na ay naisipan ni Migz na tawagan ang nobya.

“Lucy, nasaan ka?”

“Anong klaseng tanong ba ‘yan hon alam mo namang nasa office ako ng ganitong oras!”

“O-oo, ang ibig kong sabihin sa’n ka mamaya, kasi aayain sana kitang mag-dinner tonight.”

Palusot ni Migz. Pero nakahinga siya ng maluwag nang malamang nasa office ang girlfriend at sigurado na niya ngayon na namalikmata lang nga siya kanina.

“Omg hon, I’m sorry pero hindi ako pwede mamaya eh.”

“Bakit naman?”

“May darating kasi akong bisita.”

“So, sino naman ang bisitang ito na mas importante pa sa’kin?”

“She’s my aunt, ano ka ba, stop doubting okay?”

“I’m sorry, sana makilala ko rin siya.”

“Hon, usap na lang tayo later, busy talaga ko ngayon eh!” pagpuputol ni Lucy sa conversation nila.

Gabi. Nagpaluto si Lucy ng masasarap na putahe sa cook nila sa bahay. Pinalagyan din niya ng decoration ang salas at dining room kung saan niya tatanggapin ang mga espesyal niyang bisita. Hindi nawala sa pinalagay niyang decoration ang favorite niyang red roses. Siniguro niya na magugustuhan ng mga ito ang paghahanda niya sa pagkikita nila.

Pero sa kabila niyon ay may inaalala rin si Lucy. Hindi kasi niya sinabi sa ama ang tungkol dito. Masyadong busy ang daddy niya at sa nakaraang pag-uusap nila ay mukhang wala talaga itong balak na buuin ang pamilya nila kahit pa nalaman na nito ang pagkakakita niya kay Luisa. (Itutuloy)