Una sa Balita

Exchange of Hearts

By
0 446

Ika-pitong labas

Natigilan si Lucy.

“I-I’m sorry… I’m really sorry I forgot!”

“Hindi mo sinagot ang tanong ko.”

Sa isip ni Lucy, hindi pa niya pwedeng sabihin kay Migz ang tungkol kay Luisa. Meron kasi siyang plano at ang plano niyang iyon ang magsasalba sa relasyon nila ng binata.

“Yung friend ko nung high school, don’t worry babae siya!”

Hindi umimik si Migz.

“Hon, I’m sorry talaga, babawi na lang ako tomorrow, pagod na rin kasi ako ngayon gusto ko ng magpahinga.” Sinadya ni Lucy na lambingan ang boses.

“Okay.  Goodnight.”

“Goodnight honey, happy anniversary!” habol na sigaw pa ng dalaga. Pero wala ng tugon mula sa nagtatampong binata at ni hindi na rin ito lumingon.

Hindi pinalipas ni Luisa ang gabi na hindi naibabalita sa ina ang nangyaring pagkikita nila ni Lucy.

“Hello, nay!”

“Luisa anak, kanina ko pa hinihintay ang tawag mo, kumusta? Nakita mo ba siya ulit? Nagkausap ba kayo?”

“Opo ‘nay, pasensya na kayo kasi gabi na po kami nagkita!”

“Okay lang anak, o anong napag-usapan nyo?”

“E…’nay, gusto niya po kayong makita at makilala…”

Saglit na natahimik si Aling Lore.

“Nay gusto ‘nyo rin naman po siyang makita diba? Alam ko pong sabik na sabik na rin kayo sa kanya.”

“Oo, totoo ‘yon, kaya lang…”

“Wala na po ang Lola Consuelo namin, namatay raw po sa cancer.”

“Ano? K-kelan pa?”

“Two years ago na raw po.”

“G-gano’n ba…”

Related Posts

“Nay, alam ko pong inaalala nyo rin ang pagkikita ‘nyo ni tatay, pero sana po ‘wag na po nating sayangin ang pagkakataon na ibinibigay sa atin ng Diyos para makasama si Lucy.”

“Oo naman anak, gustong-gusto ko na talagang makita ang kakambal mo, ang anak ko na napa­katagal nawalay sa’kin.”

“Kuya, ano ba ‘yan, kanina ka pa dribol ng dribol hindi ka naman nagsu-shoot, parang wala ka sa sarili!” puna ng nakababatang kapatid ni Migz na si Michelle. 16 years old.

Sadya nitong inihinto ang pagre-review sa kalapit na mesa ng small court ni Migz sa loob ng bakuran nila.

“Wag mo nga akong pakialaman, mag-review ka na lang diyan para makapasa ka sa exam!”

“Ah siguro may LQ kau ni Ate Lucy noh?” tukso ni Michelle.

“Heh! Ang bata bata mo pa alam mo na ang LQ!”

“Hindi na’ko bata noh saka napapanood ko kaya sa t.v.!”

Inihinto ni Migz ang pagdidribol at naupo sa tabi ng kapatid.

“Oo na, sige na, aaminin ko na, wala tagala ako sa sarili dahil naiinis ako!”

“Naiinis kanino?”

“Kanino pa ba, e ‘di kay Lucy!”

“Sabi ko na nga ba, tsk tsk!”

“E kasi naman pakiramdam ko habang tumatagal paliit na nang paliit ang pagmamahal niya sa’kin, parang hindi na ako masyadong importante sa kanya…”

“Asus, baka naiinsecure ka lang kuya kasi yung girlfriend mo mature na at may magandang trabaho, palaging busy!”

“Gano’n? ”

“Ganern!”

“Pwes hindi ako insecure, dahil makakakuha ako ng magandang trabaho at mas magiging busy ako kaysa sa kanya!”

“Well, prove it, loser!” sabay tayo ni Michelle na astang nang-aasar pa rin. Hahabulin sana siya ni Migz pero mabilis na siyang nakapasok sa loob ng bahay.

Napaisip din si Migs sa sinabi ng kapatid. Baka nga kailangan na niyang maghanap ng trabaho. Baka kailangan na niyang gamitin ang pinag-aralan niya sa photography para may maipagmalaki kay Lucy.

“Tama! Dapat siguro abalahin ko rin ang sarili ko kaysa mag-focus ako sa relationship namin ni Lucy tutal busy rin naman siya sa ibang bagay!”

Tumayo si Migz sabay shoot ng bola sa ring.

Sinundo ni Luisa ang ina sa probinsya at dinala sa inuupahan niyang apartment.

“Maliit lang ‘tong inuupahan ‘ko nay pero komportable naman po ako. Maiingay pero mababait naman po ang mga kapitbahay ‘ko. Sa upa naman po, madaling pakiusapan ang landlady ‘ko kapag pumapalya ako sa bayad.” Kuwento ni Luisa habang binibigyan ng upuan ang ina.

“Mabuti naman at hindi ka nahihirapan dito.” (Itutuloy)