Una sa Balita

Exchange of Hearts

By
0 442

Ika-6 na labas

“Iyan din ang sinabi sa akin ni nanay… sa tingin mo ba hindi pa rin kami matatanggap ng lola mo? p-pero ang ibig ko lang naman sabihin, gusto ko lang na makilala ka, at si tatay…”

“Luisa, pareho lang tayo ng gusto, gusto ko rin na makilala ka at ang nanay mo na nanay ko rin pala… and for your info. matagal ng wala si Lola, she died two years ago sa sakit na cancer of the brain.”

“Ha? gano’n ba…”

“Hindi ko nga sila maintindihan eh, pagkatapos ng napakahabang panahon parang ibinaon na lang nila sa limot ang lahat, kundi pa tayo aksidenteng nagkita hindi natin malalaman na magkakambal pala tayo!”

“Siguro kasi bukod sa lola mo, meron pa silang ibang dahilan kung bakit hindi nila nagawang balikan ang isa’t isa o paglapitin tayong dalawa.”

“Really? Pero hindi pa rin valid na reason ‘yon, karapatan nating malaman na meron pala tayong kumpletong magulang at kapatid ‘diba?”

“Oo naman, kaya nga siguro Diyos na ang gumawa ng paraan para magkita tayo, maniwala ka lang na may dahilan ang lahat.”

“Siguro nga, baka ito na ‘yung right time para mabuo ang pamilya natin, what do you think?”
Hindi agad nakasagot si Luisa.

“Luisa, ayaw mo bang mabuo ang pamilya natin?”

“S-syempre naman gusto ko, kaya lang si nanay at ang daddy mo lang naman ang makakapagdesisyon no’n diba?”

“No! noon wala tayong nagawa nang pagdesisyunan nila ang buhay natin dahil wala pa tayong muwang, pero ngayong malalaki na tayo, sa ayaw at sa gusto nila babawiin natin ang mga panahon na nasayang dahil sa mali nilang desisyon!”

Nag-ring ang cellphone ni Lucy.

“Excuse me Luisa ha sasagutin ko lang ang call.”

“Okay.”

Bahagyang lumayo si Lucy kay Luisa.

“Hello Migz?”

“Honey, hindi mo ba nabasa ang text ko?”

“I’m sorry meron lang akong kausap na importanteng tao kaya hindi ko pa na-check ang phone ko. Ano ba ‘yon?”

Related Posts

“Gusto sana kitang iinvite sa dinner, now na.”

“Dinner? Naku hon, I’m sorry nasa dinner na ’ko, next time na lang tayo okay?”

“Are you sure?”

“Yes I’m sure!”

Pagkasabi niyon ay ini-off na ni Lucy ang cellphone niya.

“I’m sorry Luisa na-destruct ang pag-uusap natin, si Migz ‘yon bf ko, ang kulit niya kaya minsan naiirita na rin ako.”

Marami pang bagay ang pinag-usapan ng kambal. Pero hindi sapat ang oras para makilala nila ng lubos ang isa’t isa.

“Luisa, I suggest mag-set tayo ng isang dinner or lunch para kina mommy at daddy, para sa reunion ng family natin, para makilala pa natin ang isa’t isa.”

“S-sige… kakausapin ko si nanay.”

“You know what, sobra kong excited na makita ang babaeng nagluwal sa akin, sa ating dalawa!”

“Ako rin, excited na rin akong makilala ang tatay natin. At masaya ako ngayon dahil nagkasama tayo.”

Nanlulumo si Migz habang nakatitig sa inihanda niyang surprise dinner para sa anniversary nila ni Lucy. Palaisipan din sa kanya kung sino ang importanteng tao na kasama ni Lucy sa dinner para makalimutan nito ang anniversary nila.

“Kailangan kong malaman…”

Tumayo ang binata at lumabas ng restaurant.

Nang makarating siya sa bahay nina Lucy ay saktong kararating lang din ng kotse ng dalaga. Papasok na sana ito sa pintuan nang tawagin niya.

“LUCY!”

“MIGZ? Super late na anong ginagawa mo rito?”

“Gusto ko lang malaman kung sino ang kasama mong nag-dinner ?”

“What? Pumunta ka ng ganitong oras para lang sa tanong na ‘yan?”

“Pumunta ako para malaman ko kung sino ang dahilan para hindi mo maalala na anniversary natin ngayon.” Matigas pero mahinahon ang boses ng binata. (Itutuloy)