Una sa Balita

Exchange of Hearts

By
0 453

Ika-5 labas

Gabi. Abalang-abala si Migz sa pagpe-prepara para sa celebration ng second year anniversary nila ni Lucy bilang mag-on. Isang romantic dinner ang inihanda niya para sa nobya sa restaurant na madalas nilang kainan. Pina-reserve niya ito at siya mismo ang personal na nag-asikaso sa mga bulaklak na dapat nandoon, tulad ng favorite na red ro­ses ni Lucy, pinili rin niya ang paboritong menu nito at hindi mawawala sa mga sorpresa niya ang violin na gustong-gustong pinapa­kinggan ng dalaga.

“Siguradong matutuwa siya at lalong ma-iinlove sa’kin!” kausap ni Migz sa sarili habang isinusuot na ang bagong bili niyang polo.

“Pero bakit kaya gabi na mukhang hindi pa rin niya naaalala ang anniv namin?…a siguro hinihintay lang niya na mauna akong bumati, siguro sobrang sama na ng loob niya ngayon dahil kala niya nalimutan ko na! hindi ko na mahintay na makita mamaya kung paano siya ngi­ngiti ng ubod tamis kapag nasa harapan na niya ang surprise ko!” kausap pa ni Migz sa sarili sa harap ng salamin.

Inayos pa niyang mabuti ang buhok at kuwelyo ng polo bago iginudluck ang sarili at tuluyang tinalikuran ang salamin.

Samantala.

Nag-uumapaw ang kaba sa dibdib ni Luisa habang hinihintay ang pagdating ng kakambal. Bawat pumasok sa restaurant ay napapatingin siya.

Hindi naman siya natagalan sa paghihintay dahil maya-maya lang ay natanawan na niya ang papalapit na dalaga.Lalong nag-umapaw ang kaba niya lalo na at napaka-sosyal tingnan ng kakambal niya sa suot nitong red dress na tinernuhan ng white hand bag. Samantalang siya ay isang simpleng blouse at maong pants lang ang suot.

“LUISA! HI!” nakipagbeso si Lucy sa kakambal.

“H-Hi!”

Hindi napigilan ni Luisa ang sarili na yakapin ang kapatid. Sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman niyang may kapatid siya. Damang-dama niya iyon sa puso niya.

Matapos iyon ay saglit silang nagkailangan. Parehong tila hindi pa rin makapaniwala sa nakikita nilang pagkakapareho nila.

“Naka-order ka na?” tanong ni Lucy habang paupo siya.

Related Posts

“Hindi pa, hindi ko kasi alam kung anong gusto mo.”

“Okay don’t worry ako na ang oorder para sa ating dalawa,sigurado akong magugustuhan mo ang menu nila dito!”

Titig na titig si Luisa kay Lucy habang tinitingnan nito ang menu. Paglapit ng waiter ay sinabi na ni Lucy dito ang napili niya.

“Alam mo favorite ko ang sugpo, lasagna, mahilig din ako sa fries and ice cream, ikaw?”

“Ako,mas gusto ko ang mga street foods tulad ng fishballs, kwek kwek, at kikiam.”

“Really?”

Tumango si Luisa.

“L-Lucy, tungkol sa ating dalawa…sa pamil­ya ko, na pamilya mo…”

“Yes I know, kaya nga tayo nandito para pag-usapan ‘yan, kaya lang syempre kailangan din nating mag-warm up ng usapan diba para naman mawala yung kaba sa pagitan na­ting dalawa.”

Muling tumango si Luisa at sa pagkakataong ito ay may kasama ng ngiti sa mga labi niya.

Saglit na namagitan ang katahimikan nang ilapag na ng waiter sa table nila ang inorder. Si Lucy ang bumasag ng katahimikan.

“I ask my dad about you…nagulat siya pero wala naman siyang choice kundi ipagtapat sa’kin ang tungkol sa nakaraan niya…”

“Anong sinabi niya sa’yo?”

“Ang tungkol sa paghihiwalay nila, kung bakit tayo nagkalayo, it’s all because of Lola Consuelo.” (Itutuloy)